Mahuhuling lalabag sa ipinatutupad na ’enhanced community quarantine’ mahaharap sa kaso —PNP

0
31

Paiigtingin ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapatupad ng enhanced home quarantine at mga ordinansa sa mga lungsod.

Ayon kay PNP Spokesperson P/Brig. Gen. Bernard Banac, huhulihin ng mga pulis at mahaharap sa kaso ang mga lalabag sa mga ipinapautad na panuntunan.

Nilinaw naman nito na kapag menor de edad ang mahuhuli ay ibabalik ito sakanilang mga magulang o ‘di kaya’y dadalhin sa local social welfare officer.

Samantala, muli namang nagpapaalala si PNP Chief P/Gen. Archie Gamboa sa mga magulang na bantayang mabuti ang kanilang mga anak lalo na sa mga menor de edad para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.