Duterte hinihimok ang taong-bayan na huwag matakot sa COVID-19 outbreak

0
21

Hinihimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang taong-bayan na huwag matakot.

Ito ay kasunod ng pagsampa sa mahigit 500 ang bilang ng nagpositibo a coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa, isang linggo matapos na ideklara ang public health emergency at enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Ayon kay Pangulong Dutrete, huwag matakot dahil titiyakin ng gobyerno na pagsisilbihan ang mga taumbayan.

Aniya, halos lahat ay makakatanggap at gagawin ng pamahalaan ang lahat para hindi pabayaan ang mga pangangailangan ng publiko sa kabila ng krisis na kinakaharap ng bansa dahil sa COVID-19.

To the Filipino people, rest assured that your entire government is working hand in hand to save guard your health, safety and well-being in the face of threat post by COVID-19, We will address all different issues brought by this pandemic as well insure the protection of our people specially those serving the compliance; supplies of food, water and other essential we will be provided to you throughout of this deal. Financial assistance will also be extended especially to those in the margins and vulnerable groups. Halos lahat po makakatanggap, gagawin namin ang bahat hindi namin kayo pababayaan., ani Duterte

Pinapayuhan naman ng Pangulo ang publiko na huwag matigas ang ulo at manatili na lamang sa kani-kanilang mga tahanan.

Samantala, umaasa naman ang Pangulo na darating ang isang araw na matatapos na ang giyera ng bansa laban sa COVID-19 gayung malakas ang mga Pilipino sa anumang hamon.

Yes things will not be easy and we Filipinos are tough; mas malakas ang Filipino sa anumang hamon, now we all  must do what we can para sa ating bayan . I look forward  to the day that we the Filipinos can finally  claim victory of this war  and emerge as a stronger and more united Filipinos for the Philippines., ani Duterte