Ilang grupo pinatutsadahan ang mabilis na pagpasa ng Kongreso sa ‘emergency powers’ ni Duterte

0
32

Pinatutsadahan ng ilang grupo ang mabilis na pagpasa sa dalawang kapulungan ng Kongreso ang emergency powers ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Unang kumastigo si Kabataan Partylist Representative Sarah Elago na nagsasabing hindi mapagkakatiwalaan ang pagbibigay ng emergency power sa pangulo dahil maaari umanong gamitin ito sa masamang paraan.

Aniya, mas kailangan ngayon ng taumbayan ng emergency actions at hindi emergency powers.

Ayon naman sa National Union of Students of the Philippines (NUSP), maituturing umanong “power-hungry move” ang naturang hakbang dahil pinakikinabangan umano ang panic ng tao upang mapunta makonsentra ang kapangyarihan sa pangulo.

Samantala, inihahalintulad naman ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang pagraratsada sa panibagong kapangyarihan ng pangulo sa martial law o batas militar noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na nag aari-arian sa mga pribadong sektor para sa diumanoy sa sariling kapakinabangan.