30.7 C
Manila
Sunday, April 28, 2024

Mahigit sa limang daang puno ng tanim na Marijuana, binunot at sinunog ng mga tauhan ng Bokod Municipal Police Station

- Advertisement -

(Baguio City-Bokod, Benguet) Binunot at sinunog ng mga tauhan ng Bokod Municipal Police Station ang humigit kumulang na 560 puno ng Marijuana na nadiskubre nila sa Sitio Sekong Tangke, Barangay Ambuklao, Bokod, Benguet kahapon Abril 20, 2023. Ayon sa ulat ng Bokod MPS, ang standard drug price ng mga sinunog nilang Marijuana ay aabot sa 112,000 pisos. Natagpuan nila ito sa 180 square meters na public land sa nasabing sitio.

Ayon kay Police Captain Gilbert Anselmo, ang namumuno ng Bokod Municipal Police Station, ito ang kauna unahang Marijuana eradication sa nasabing bayan. Sinabi sa ulat ng pulisya, ang mga marijuana ay maaring itinanim ngunit wala pa silang nahuhuling tao na maaring nagtanim nito. (RPN-Baguio/Joel Cervantes)

Photo Credit to Bokod MPS

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -