Mahigit P1-B halaga ng shabu nakumpiska sa Malabon City

0
44

Pumalo sa mahigit isang bilyong pisong halaga ng shabu ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang warehouse sa Malabon City.

Ayon kay PDEA Dir. Gen. Aaron Aquino, aabot sa 146 na kilo ng shabu ang kanilang narekober.

Aniya, nakalagay ang mga kontrabando sa 114 na bags na nakasilid naman sa mga aluminum na paleta, mula sa bansang Cambodia na sinasabing parte ng Golden Triangle Drug Syndicate.

Paliwang ni Aquino, matapos ang ikinasang operasyon sa Cavite noong Pebrero ay i-nimbestigahan nila ang cellphone ng mga naarestong suspect na sina Alexander Junwah Ting Lee at Patrick Gan-Kee.

Sa isinagawang imbestigasyon ay napag-alaman ng mga otoridad na may hinihintay na shipment ang grupo para sa Goroyam Trading.

Dahil dito, nakipag ugnayan ang PDEA sa Bureau of Customs (BOC) upang makita ang naturang shipment, kung saan natagpuan ito sa Malabon City.

Samantala, kinumpirma rin naman ni Aquino na may kaugnayan ang naturang bilyong pisong halaga ng shabu, sa mga naunang operasyon sa Ayala, Alabang at Cavite noong mga nakalipas na buwan.

—–