Aquino handang humarap sa MTRCB

0
47

Handang humarap si PDEA Dir. Gen. Aaron Aquino sa pagpapatawag ng MTRCB kaugnay sa kontrobersiya sa kantang “Amatz” ni Shanti Dope.

Ito, ay matapos ipagbawal ng PDEA ang pagpapatugtog sa kantang “Amatz” ng nasabing Pinoy rapper.

Ayon kay Aquino, bagaman kanta lamang ito ay posible itong magdulot ng masamang epekto sa mga kabataang nakikinig.

Giit pa nito, 32 beses na nabanggit sa kanta ang salitang, ‘amats’, kung saan hindi aniya ito magandang ehemplo sa mga kabataan.

Samantala, hinamon naman ni Aquino ang Pinoy rapper na lumikha ng kanta, na makatutulong sa kabataan na umiwas sa iligal na droga.

—–