Pangulong Duterte may hamon sa mga militar

0
45

Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang militar na direktang siyang sabihan na mag-bitiw sa pwesto imbes na magsagawa ng kudeta ang mga sundalo.

Ito, ang naging matapang na pahayag ni Pangulong Duterte, sa isinagawang thanksgiving party para kay Senator-elect Bong Go sa Davao City.

Ayon sa Pangulong Duterte, mas pipiliin niyang magbitiw sa pwesto kaysa mag-aklas pa ang pwersa ng militar laban sa kaniya.

Kasabay nito, inamin rin ng pangulo na maluwag sa sa kanyang kalooban kung hihilingin ng mga sundalo na palitan siya ni Vice President Leni Robredo.

—–