DOH isinusulong ang mataas na buwis sa sigarilyo

0
41

Patuloy na isinusulong ng Department of Health (DOH) ang panukalang pagpataw ng mataas na buwis sa mga sigarilyo.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, nais pang taasan ng kanilang tanggapan ang presyo ng produktong tobacco.

Dahil makatutulong ang dagdag na buwis sa mga sigarilyo para sa karagdagang pondo ng Universal Health Care Bill.

Bukod aniya sa dagdag na pondo ng gobyerno ay mabuti rin ito upang makaiwas sa iba’t-ibang sakit ang publiko.

Samantala, sinabi naman ni Duque na target ng DOH na mapababa ang populasyon ng mga naninigarilyo sa pagsapit ng taong 2025.