Mahigit 30,000 pulis idineploy ngayong ‘Undas’

0
47

Naka-full alert status na ang Philippine National Police (PNP) kasabay ng deployment ng mahigit 33,000 pulis sa buong bansa ngayong Undas.

Ayon kay Chief Supt. Johnson Almazan, ground commander ng PNP Reserved Standby Security Force, tinatayang 300 pulis ang naka-antabay upang tumulong sa iba pang security forces sa Metro Manila.

Bukod sa mga sementeryo, tinututukan din aniya nila ang iba ang matataong lugar gaya ng mga transport terminal.

Sa taong ito ay inaasahan ng PNP na aabot sa P14.6 milyon ang daragsa sa iba’t-ibang sementeryo upang gunitain ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay.