Saturday, May 18, 2024

Libu-libong pasahero dumagsa sa mga terminal ngayong Undas

- Advertisement -

Libu-libong pasahero na patungo sa mga probinsya ang dumagsa sa iba’t ibang transport terminal kagabi para sa Undas.

Libu-libong pasahero na patungo sa mga probinsya ang dumagsa sa iba’t ibang transport terminal kagabi para sa Undas.

Dahil dito, bahagyang nagsikip ang daloy ng trapiko sa mga kalsadang malapit sa mga terminal gaya sa Cubao, Quezon City; Edsa-Pasay; port of manila at Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa Cubao, tinaya ng Quezon City Police District (QCPD) sa halos 9,000 ang dumagsa sa Araneta Bus Terminal hanggang kagabi kumpara sa mas malaking buhos ng mga pasahero noong weekend.

Sunud-sunod din ang dating ng mga sasakyang palabas ng Metro Manila sa North Luzon Expressway (NLEX) at South Luzon Expressway (SLEX).

Samantala, umabot naman sa mahigit 500,000 na pasahero ang bumiyahe mula sa apat na terminal ng NAIA simula Oktubre 27 na inaasahang madaragagan pa ngayong araw.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -