Target ng Department of Transportation (DoTr) na simulan sa Disyembre ang groundbreaking ceremony para sa konstruksyon ng Metro Manila Subway-Phase 1.
Ayon kay Transportation undersecretary for railways Timothy John Batan, nakatakda nang i-award ngayong Nobyembre ang procurement para sa partial operability section ng tatlong istasyon.
Target ng DoTr ang partial operation ng tatlong istasyon na North Avenue, Mindanao Avenue at Tandang Sora sa taong 2022.
Itinakda naman ang konstruksyon ng P356.9 billion project sa susunod na taon at inaasahan ang full operation nito sa taong 2025.