Mahigit 229k na mga OFW nakauwi na sa bansa — DOLE

0
90

Aabot sa 229,000 ang mga Overseas Filipino Workers (OFW’s) na naapektuhan ng COVID-19 pandemic ang naiuwi na sa bansa.

Ito mismo ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III kung saan 57% aniya ng 400,000 mga OFW’s ang nai-repatriate na matapos maapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Bello, inaasahan nilang madagdagan pa ang bilang mg mga OFW’s na maire-repatriate sa mga susunod pang mga araw.