COVID-19 cases sa bansa mahigit 314k na

0
111

Sumampa na sa kabuuang 314,079 ang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.

Ito ay matapos na maitala ng Department of Health (DOH) ang nasa 2,415 na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas kung saan pinakamarami pa rin ang naitalang kaso sa Metro Manila na umabot pa sa 930.

Sinundan naman ito ng Cavite na mayroong 238, Rizal 128, Laguna 123 at Negros Occidental na mayroong 103 na naitalang bagong kaso ng COVID-19.

Ayon sa DOH, 83% o katumbas ng 2,010 na bagong kaso ng COVID-19 ay nahawaan lamang ng virus sa nakalipas na 14 na araw.

Gayunman, sumampa naman sa 254,223 ang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19 habang nasa 5,562 naman ang bilang ng mga nasawi.

Sa ngayon, nasa 54,294 naman ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.