29.8 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Guevarra tinanggihan ang nominasyon sa SC

- Advertisement -

Mananatili pa rin sa Department of Justice (DOJ) si Justice Secretary Menardo Guevarra.

Ito’y makaraang tanggihan ni Guevarra ang nominasyon sa kanyang maging Associate Justice ng Supreme Court (SC).

Ayon kay Guevarra, mananatili siya sa DOJ dahil marami pa ang kanyang tungkulin dito ngunit hindi naman aniya mawawala sa kanyang isipan ang SC.

Hindi rin naman aniya nito tuluyang isinasara ang kanyang pintuan sa pagiging bahagi ng SC.

Kanya ring pinasalamatan si retired Sandiganbayan justice Raoul Victorino, na siyang nagnomina sa kanya sa dating posisyon ng ngayo’y Chief Justice Diosdado Peralta, dahil sa tiwala nito sa kanya.

Nais din naman aniya ni Guevarra na maging bahagi ng Korte Suprema ngunit hindi pa sa panahon na ito at posibleng sa hinaharap.

Magugunitang noong nakaraang Oktubre lamang ay ni-nomina sa pagka-Associate Justice si Guevarra ni Victorino, posisyong iniwan ng ngayo’y CJ Peralta.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -