Friday, May 3, 2024

Pagbibigay ng training at edukasyon sa Filipino migrants kinilala ng UNESCO

- Advertisement -

Kinilala ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) ang proactive policies ng Pilipinas sa pagbibigay ng training at edukasyon sa mga nagbabalik na Filipino migrants.

Batay sa 2019 Global Education Monitoring (GEM) report ng UNESCO na may pamagat na “Migration, Displacement and Education: Building Bridges, Not Walls,” pinuri nito ang mga kasanayan ng mga pinoy na nagtatrabaho sa ibayong dagat at gayundin ang mga magagandang polisiya para sa kapakanan ng mga manggagawa.

Ayon kay GEM report director Manos Antoninis, kahanga-hanga ang mga hakbang na ginagawa ng gobyerno upang maging handa ang mga manggagawa bago isabak sa trabaho sa ibang bansa.

Karamihan sa mga overseas Filipino workers (OFWs) ay sinasanay muna sa ilalim ng mga programa ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) bago idinedeploy sa iba’t-ibang bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img