Mahigit 1,000 tauhan ng Phil Red Cross ipapakalat sa traslacion ng Itim na Nazareno

0
42

Mahigit isang libong tauhan ng Philippine Red Cross o PRC ang ipapakalat sa nalalapit na traslacion ng Itim na Nazareno.

Ayon kay Senator at PRC Chairperson Richard Gordon, nasa 600 emergency responders mula sa kanilang hanay ang itatalaga sa iba’t-ibang first aid station sa ruta ng prusisyon.

Habang nasa 400 personels naman ang naka-standby sa mga outlying areas.

Tiniyak rin ni Gordon na nasa 18 ambulansiya ang i-poposiyon sa mga kalsada na dadaanan ng prosisyon.