36 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Pilipinas hindi makikisawsaw sa tensyon sa pagitan ng China at Taiwan

- Advertisement -

Hindi makikisawsaw ang Pilipinas sa lumalawak na tensyon sa pagitan ng China at Taiwan.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, dapat ipaubaya na lamang sa Tsina at Taiwan ang kanilang sariling problema.

Tangi anyang pangamba ng Pilipinas ay ang mga Overseas Filipino Workers na maaaring maipit sakaling magkaroon ng military conflict ang China at Taiwan.

Magugunitang nagbanta si Chinese President Xi Jinping na maaaring gumamit na ng dahas ang people’s liberation army sakaling mabigo ang mapayapang usapan para sa hinahangad nilang “one china, one country policy” na tinatanggihan ng Taiwan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -