Wednesday, May 8, 2024

Magsasaka sa Baguio City nakapagtala ng 3,000 na katao nagparehistro

- Advertisement -

Baguio City – Nahigit sa Tatlong libong magsasaka dito sa lungsod ng Baguio ang nagpatala sa City Veterinary and Agriculture office sa ilalim ng Agriculture Department’s registry system for basic sector in Agriculture or ang tinatawag na RSBA.

Visit RPN DZBS Baguio

Sinabi ni CVAO Senior Agriculturist Marcelina Tabelin na ang mga nagrehistro ay inaasahang dadami pa sa dararating na mga buwan at karamihan sa mga ito ay nagsasadya pa sa kanilang opisina araw-araw.

Anya ang mga magrerehistro ay gagawin nila bilang data base upang malaman kung paano sila makakatulong sa mga ito ng mas epektibo. Matatandaan na noong 2019, ang bilang ng mga magsasaka ay naitalang may mahigit 1,500 lamang sa buong lungsod.

Ayon sa kay Tabelin na dumoble ang bilang simula ng isagawa ang Registry System for Basic Sector in Agriculture o ang RSBA. Kanya namang inamin ng CVAO Senior Agriculturist na ang mga nagrehistro ay di pa umaabot ng limang libong magsasaka. (Joel Cervantes, photo courtesy of PIO Baguio)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img