Baguio: Lalaki na manyakis hinuli ng pulis sa La Trinidad, Benguet

0
6

Isang lalaki ang nahuli dahil di umano ay sa pagiging manyakis nito sa isang minor na edad na babae sa loob ng isang pampasaherong jeepney na nagbabayahe ng Baguio -Lubas, La Trinidad noong Setyembre 6, 2022.

Visit RPN DZBS Baguio

Ayon sa report na nakalap ng RPN NEWS, kinilala ni ProCor Regional Director Police General Mafelino Bazar ang suspect bilang si Roger Saldo, Lipaen, 25 taong gulang, isang tubo ng Bagulin, La Union at isang residente ng La Trinidad, Benguet.

Sinabi ng report, na ang minor de edad na babae ay nasa loob ng pampasaherong jeepney noong ang suspect ay sinundan at umupo sa tabi nito. Sinundan ito ng paghawak sa baywang at sa dibdib ng biktima at saka bumaba matapos makarating ang kanilang sinasakyan sa Lubas, La Trinidad. Ang biktima ay agad nagtungo sa isang pulis upang isumbong ang nangyari sa kanya.  At ito ngayon ang naging tugon ng pulis ang hulihin ang suspect.

Samantala, ang suspect ay nasa kustodia ng La Trinidad Municipal Police Station at nahaharap sa salang Acts of Lasciviousness na may kaugnay sa Republic Act 7610 or ang tinatawag na the special protection against children against abuse, exploitation and discrimination act.

Isang pagkilala ang iginawad ni ProCor Chief Mafelino Bazar sa dalawang pulis na nagngangalang Silvestre Lumyeb at Denio Sabas. (Joel Cervantes, photo courtesy of PIO-COR)

Leave a Reply