Friday, May 10, 2024

Magnitude 4 na lindol niyanig ang Naval, Biliran

- Advertisement -

Niyanig ng magnitude 4 na lindol ang bayan ng Naval sa lalawigan ng Biliran.

Batay sa tala ng Phivolcs, naitala ang pagyanig sa layong anim na kilometro sa timog silangang bahagi ng Naval, dakong alas singko bente’y uno ng umaga, kanina.

May lalim naman itong anim na kilometro at tectonic naman ang origin nito.

Naitala naman ng Phivolcs ang instrumental intensity 1 sa Cebu City, at Ormoc City.

Hindi naman ito inaasahang magdulot ng aftershocks at wala rin namang napaulat na nasaktan bunsod ng pagyanig.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -