30.3 C
Manila
Sunday, April 28, 2024

Mga eksperto hindi na magsasagawa pa ng pag-aaral sa dengvaxia

- Advertisement -

Hindi na magsasagawa pa ng pag-aaral ang mga eksperto hinggil sa kontrobersyal na bakuna kontra dengue na dengvaxia.

Kaugnay pa rin ito ng tumitinding kaso ng dengue sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hihintayin na lamang ng pangulo ang magiging rekumendasyon ni Health Sec. Francisco Duque III, kung maari nang gamiti ang naturang bakuna kontra dengue.

Bukod dito, sinabi rin naman ni Panelo na may kinuha ng pathologist experts ang pangulong Duterte noon pang nakaraang taon para pag-aralan ang dengvaxia vaccine.

Aniya, sa ngayon na hindi pa maaring gamitin ang dengvaxia para sa mass vaccination, ay tutukan muna ng pamahalaan ang prevention upang hindi na lumobo pa ang kaso ng dengue sa bansa.

Batay sa pinaka huling tala ng DOH, pumalo na sa mahigit 1,000 ang kaso ng dengue sa bansa, ngayong taon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -