Water level sa Angat dam muling nadagdagan

0
42

Muli na namang nadagdagan ang water level sa Angat dam, ngayong araw.

Ito ay batay sa pinakahuling tala ng PAGASA Hydrology Division kung saan sumampa na sa 168.33 meters ang antas ng tubig sa Angat, sa nakalipas na 24 oras.

Higit itong mataas sa 160 meters na critical water level, ngunit mababa pa rin ito sa 210 meters na normal high water level.

Kaugnay nito, tumaas din naman ang water level sa La Mesa dam na ngayon ay nasa 75.34 meters na ang taas ng tubig .

Gayundin naman ang iba pang mga pangunahing dam sa Luzon gaya ng Ambuklao, San Roque, Pantabangan at Caliraya na pawang nadagdagan din ang antas ng tubig.