Magnitude 3.5 niyanig ang Batanes

0
45

Niyanig ng magnitude 3. 5 na lindol ang lalawigan ng Batanes.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa layong 14 na kilometro sa hilagang silangan ng bayan ng Itbayat, dakong alas dos trenta’y kwatro ng madaling araw kanina.

May lalim itong 18 kilomtero at tectonic naman ang origin nito.

Kaugnay nito, tumama rin naman ang magnitude 3 na lindol sa lalawigan ng Surigao del Sur kung saan naitala ito sa layong dalawang kilometro sa hilagang kanlurang bahagi ng Carmen.

Samantala, wala namang napaulat na nasirang ari-arian, at wala rin namang inaasahang aftershocks.