DOLE pinag-aaralan ang pagpapatupad ng deployment ban sa Hong Kong

0
57

Pinag-aaralan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagpapatupad ng deployment ban sa Hong Kong sa gitna ng nararanasang kaguluhan sa lugar.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, makikipag pulong siya sa OFW organization ngayong araw para hingin ang panig ng mga ito sa posibleng deployment ban sa Hong Kong.

Dagdag pa ng kalihim, ikokonsidera din ng DOLE ang posisyon ng DFA dahil ang nasabing ahensiya naman ang nagdedeklara ng alert level sa isang lugar na may kaguluhan na posibleng maka-apekto sa mga OFW.

Sa ngayon, nilinaw naman ni Bello na walang pang itinataas na alert level ang DFA sa Hong Kong.

Sakaling maipatupad ang deployment ban, hindi muna papayagan ang mga Pinoy na bumiyahe sa Hong Kong pa na rin matiyak ang kanilang kaligtasan.