DENR maglalagay ng trash boom sa Manila Bay

0
54

Nakatakda nang maglagay ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng mahigit dalawang kilometrong trash boom sa Manila Bay, upang maharang ang mga basura doon.

Ayon kay DENR Undersecretary Benny Antiporda, target bilang ilagay ang 2.5 kilometers na trash boom ngayong taon para maipon at matanggal ang mga basura sa karagatan ng Maynila.

Kaugnay nito, nilinaw rin ni Antiporda na tuluy-tuloy at hindi bumagal ang paglilinis ng binuong inter-agency na nakatutok sa Manila Bay rehabilitation program subalit bahagya lamang itong naantala dahil sa nagdaang eleksiyon.

Aniya, inuna lamang nila ang orihinal na proyekto ng DENR na nakatuon sa paglilinis ng mga creeks at ilog, upang hindi maabot ng polusyon ang tubig patungo sa Manila Bay.