Isang kadete ng PMA nakitang patay sa swimming pool

Isang kadete ng PMA nakitang patay sa swimming pool

by Powered by DWIZ
0 comment 10 views

Natagpuan ang bangkay ng isang plebo sa swimming pool ng Philippine Military Academy (PMA).

Kinilala ni PMA spokesperson Captain Cheryl Tindog ang biktimang si cadet 4th class Mario Telen Jr. ng Alpha Company of the Cadet Corps ng Armed Forces of the Philippines.

Natagpuan ang bangkay ni Telen sa 15 talampakang lalim ng pool.

Idineklarang ‘dead on arrival’ ang biktima sa PMA station hospital.

Nakikipag tulungan na ang PMA sa PNP Baguio para sa malalimang imbestigasyon sa pagkasawi ng isa na namang kadete.

0 comment

Related Posts