Saturday, May 4, 2024

Magkakasunod na pagsuko ng Abu Sayyaf members, magandang senyales tungo sa kapayapaan — JTF Sulu

- Advertisement -

Umaasa ang tropa ng militar na matitigil na ang planong pag-atake ng Abu Sayyaf sa Sulu.

Ito ay matapos ang sunod-sunod na pagsuko ng mga miyembro nito sa Joint Task Force Sulu.

Ayon kay Joint Task Force Sulu Commander Brig.Gen. William Gonzales, pinakahuling sumuko sa rebeldeng grupo sina Mahmor Badderi, 27 anyos mula sa Patikul at si Ali Jumsah, 41 taong gulang mula sa Maimbung Sulu.

Aniya, nauna na ritong sumuko ang 9 na iba pang miyembro ng Abu Sayyaf.

Nananawagan naman si Gonzales sa mga residente ng Sulu na maging vigilante at patuloy na makipagtulungan sa gobyerno sa pag-tuligsa sa mga rebeldeng grupo upang mapigilan ang mga plano nitong pag atake.

Ang Abu Sayyaf ang itinuturong nasa likod ng Jolo bombing nitong nakaraang buwan kung saan nasawi ang 15 katao kabilang na ang mga sundalo at pulis.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img