28.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Mag-Amang Villafuerte, Humiling Ng Tulong Mula Kay Pangulong Duterte

- Advertisement -

Umapela na ng tulong ang mag-amang Congressman Lray Villafuerte at Governor Migz Villafuerte ng tulong at asistensya kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos na masalanta ng Bagyong Rolly ang probinsya ng Camarines Sur.

Ayon kila Gov. Migz at Cong. Lray, nangangailangan ngayon ang probinsya ng agarang tulong para sa mahigit 80,000 na pamilyang naapektuhan ng bagyong Rolly.

“We are appealing for immediate assistance from the President for the devastation brought by Super Typhoon Rolly, particularly for the most severely affected 80,000 families all over the province’s 1,036 barangays, many of whom have totally or partially lost their homes to this extremely potent ‘Category 5’  cyclone that hit Bicol a week after the onslaught of super typhoon Quinta,” – Cong. Lray Villafuerte

“We need aid right away from the DSWD [Department of Social Welfare and Development] and the NHA [National Housing Authority] for CamSur folk who are now reeling from the triple whammy of super typhoons Rolly and Quinta and the lingering coronavirus pandemic,” dagdag pa ni Rep. Villafuerte

Nagpalabas na din ng resolution ang Sangguniang Panlalawigan ng Camarines na nagdedeklarang nasa ilalim ng State of Calamity ang buong probinsya.

Sumulat na din ng opisyal na liham si Gov. Migz na humihiling ng tulong pinansyal para sa mga pamilyang lubhang napinsala ng Bagyong Rolly partikular na ang mga mga nasa sektor ng agrikultura at mga magsasaka.

Sa kabuuan, halos nasa 251,000 na pamilya ang nasalanta sa buong probinsya ayon sa Camarines Sur Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC).

Marami ding mga imprastraktura ang nasira ng dumaang bagyo kagaya ng mga kalsada, tulay, dams, irrigation systems at ibang pang mga pampublikong istruktura na tinatayang nasa 1.9 Billion ang napinsala.

(Source: Bicol News)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -