Posibleng sa huling bahagi pa ng taon maramdaman ng mga lokal na magsasaka ang mabuting epekto ng rice tariffication law.
Ito ayon kay Agriculture Undersecretary Ariel Cayanan, mapakikinabangan ng mga magsasaka ang P5-B na obligated fund para sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).
Paliwanag ni Cayanan, bago matapos ang taon ay maipagkakaloob na umano ang bidding contract para sa equipment o machinery sa pagsasaka.
Kaugnay nito, sinabi rin ni Cayanan na pinag-aaralan na rin ng ahensiya ang pagbibigay ng 600 piso na halaga ng bigas kada buwan at direktang pagbebenta ng palay sa concerned government agencies.