COA kinuwestyon ang mahigit P100-B halaga na mga proyekto ng DPWH

0
38

Kinuwestiyon ng Commission On Audit (COA) ang mahigit P100-B halaga ng mga proyekto ng Dept. of Public Works and Highways (DPWH) na lumabag sa batas.

Batay sa report ng COA, aabot sa kabuung P118-B ang kabuuang halaga ng kuwestiyunableng proyekto ng DPWH ang delayed o hindi naipatupad.

Nakasaad din sa COA report na ang mga proyekto ay hindi nakumpleto sa loob ng panahon na nakalagay sa kontrata.

Bigo rin umano ang DPWH at mga consultant nito na ikunsidera ang ilang bagay sa paunang pag-aaral ng proyekto.

Kabilang dito ang kalamidad, peace and order, isyu ng right of way, kaukulang clearance sa lokal na pamahalaan o permit mula sa national government, at iba pang bagay ukol sa contractor.