Mabilis na aksyon ng pamahalaan vs. nCoV ipinag-utos ni Duterte

0
37

Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng kaukulang ahensiya ng pamahalaan na paigtingin pa ang pagbabantay sa lahat ng pantalan at paliparan sa bansa.

Ayon kay Pangulong Duterte, dapat na mabilis na umaksyon ang pamahalaan upang walang Pilipino ang tamaan ng novel coronavirus (nCoV) dahil tanging ang kapakanan lamang aniya ng publiko ang kaniyang prayoridad.

Kaugnay nito, mahigpit naman ang pagbabantay ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa mga Chinese nationals na dumarating sa bansa.

Samantala, pinayuhan naman ng Bureau of Immigration (BI) ang mga pasahero na galing sa China na magkusang lumapit sa mga kawani ng Bureau of Quarantine kung mayroon silang sintomas ng nCoV gaya ng lagnat, ubo’t sipon, pananakit ng ulo at hirap sa paghinga.

Una rito, sinuspinde na naman ng BI ang pagkakaloob ng visa upon arrival (VUA) sa mga Chinese nationals kaugnay pa rin ng nCoV scare.