PH may kakayahan nang magsagawa ng confirmatory test sa nCoV

0
20

Mayroon ng kakayahan ang Pilipinas na magsagawa ng confirmatory test sa mga samples ng 2019 novel coronavirus (nCoV).

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, ito ay matapos na ipagkaloob ng japanese counterpart ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang RNA primer para suriin ang mga samples at makapaglabas ng resulta sa loob ng 48-oras.

Sa ngayon kasi ipinapadala pa ng Department of Health (DOH) sa Australia ang mga laboratory samples ng mga pasyenteng hinihinalang may sakit ng nCoV sa bansa.