Wednesday, May 8, 2024

Worst-case scenario sa nCoV pinaghahandaan na ng PH —Duterte

- Advertisement -

Pinaghahandaan na ng Pilipinas ang worst-case scenario sa harap ng patuloy na pagkalat ng 2019 novel corona virus (nCoV) sa mga kalapit na bansa ng Pilipinas.

Ito ang binigyang diin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna nang tumitinding nCoV scare sa Pilipinas.

Ayon kay Pangulong Duterte, pinag-aaralan na nila ang anumang posibleng panganib na dala ng nCoV sakaling makapasok ito sa Pilipinas.

Sinabi ng pangulo na bagamat blangko pa rin ang pamahalaan kung paano lalabanan ang nCoV sa oras na kumalat ito sa bansa ay hindi naman aniya titigil ang kaukulang ahensiya ng gobyerno para matiyak na ligtas ang publiko.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Pangulong Duterte na handa ang pamahalaan na irepatriate ang mga Pilipino na nasa Wuhan City, China –ang lugar kung saan umano nagsimulang kumalat ang nCoV.

Gayunman, nakalatag na naman aniya ang mga precautionary measures upang hindi kumalat ang nCoV sa bansa.

Batay sa pinakahuling ulat ng Department of Health (DOH), nasa 23 na ang Persons Under Investigation (PUI) sa Pilipinas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img