33.5 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Maayos na implementasyon ng rice tarrification act pinatitiyak ni Speaker Arroyo

- Advertisement -

Pinatitiyak ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa pamahalaan ang maayos na implementasiyon ng rice tariffication act na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Arroyo, nais niyang matiyak na maipatutupad ng maayos ng pamahalaan ang import restrictions na nakapaloob sa nasabing batas.

Dagdag pa ni Arroyo, dapat ring siguraduhin ng pamahalaan na hindi makaka apekto ang batas na ito sa kabuhayan ng mga magsasaka at lokal na sektor ng bigas.

Sa ilalim ng naturang batas, magiging maluwag ang pamahalaan sa importasiyon ng bigas at magpapataw ito ng tatlumpu’t limang porsyento na buwis sa mga rice imports na mula sa ASEAN countries.

Magkakaroon rin ng P10 billion alokasyon para sa rice competitiveness enhancement fund, kung saa isang bilyong piso dito ay ilalaan para sa mga magsasaka at kooperatiba.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -