Thursday, May 2, 2024

COVID-19 cases sa QC, umakyat na sa 46

- Advertisement -

Umakyat na sa 46 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Quezon City.

14  dito ang pinauwi sa kani-kanilang mga bahay.

Ayon kay Dr. Rolly Cruz, Quezon City Chief Epidemiology and Surveillance Unit, ang pag papauwi ng mga pasyente ay alinsunod sa protocol ng  Department of Health (DOH) na pauwiin ang mga persons under investigation (PUI) na may mild symptoms habang hinihintay ang test results.

Pinapayuhan naman nito ang mga pinauwing COVID-positive patients na mag monitor ng sarili sa mga sintomas, ihiwalay ang sarili sa mga kasama sa bahay at huwag lumabas ng kwarto.

Samantala, naghahanda narin ang pamahalaang lungsod ng Quezon City ng isa pang alternatibong quarantine facility  para sa mga PUI at PUM’s.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img