Baguio City – Pinarangalan ng lokal na opisyal si ginang Leoncia Estipular Camacho na isang centenarian o nag isang daan taon dito sa lungsod ng Baguio.
Sa ilalim ng Resolution No. 560, series of 2023, ang mga lokal na mambabatas ang nagsabi na si Leoncia na ipinanganak noong hunyo a 30 ng taong 1923 sa Magunggunay, Naguilian, La Union at narating nito ang edad na isang daang taon.
Siya ang pinakabata sa labing isang mga anak ni Ginoong Angel G. Estipular at Ginang Flora E. Estipular. Dahil sa kakulangan sa pera, Siya ay napilitang huminto ng pag aaral. Ngunit nagpakasipag magtrabaho katuwang niya ang kanyang mga magulang sa bukid na magtanim ng palay at tabako.
Ang kapalaran ang nagtagpo sa buhay ni Leoncia ng isang Angel Camacho, sa pagdiririwang ng kanilang kasal sa kanilang bayan. Matapos ang panahon ng ligawan at pagiging magnobyo at magnobya, sila ay nagsama at naging magulang ng limang magagandang mga bata.
Ang kanyang hangad ay mabuhay pa ng mahaba upang makita pa ang kanyang mga apo sa kanilang paglaki. (Joel Cervantes| Jim Bernabe, photo courtesy by Mika Cervantes)