Lungsod ng Baguio, nakapagtala ng mga bagong kaso ng kalupitan sa mga hayop

0
6
photo courtesy of PIO-Baguio

Baguio City – Nakapagtala ang Baguio City Police Office (BCPO) ng limang kaso ng pagmamalabis sa mga hayop ngayong taon. Kahit na mahigpit ang probisyon sa ilalim ng Animal Welfare Act of 1998, o ang Republic Act No. 8485.

Noong pareho ding panahon noong nakaraang taon, tatlong kaso din ang naitala ng lungsod.

Ayon sa mga ulat, ang pangangailangan sa karne ng aso ay kalimitan ay sa pulutan na kasama sa pag inom ng alak. Habang nakagawian ng mga taga Cordillera ang pagkain ng karne ng aso dahil sa kultura na kanilang nakagisinan.

Ang pagsunod sa batas upang itaguyod ang makataong at responsableng pag-aalaga sa mga hayop ay mahalaga.

Maliban sa kalupitan at pagpatay ng mga hayop, ipinagbabawal din ang pagiging pabaya at pag-iwan sa mga ito, ang illegal na pangangalakal nito, ang pag-aaway ng mga hayop, ang experiment sa mga hayop na walang pahintulot at ang pagpapalaki na walang tamang pangangalaga.

Samantala, iniutos ni Mayor Benjamin B Magalong, kay City Police Director, PCol. Francisco Bulwayan Jr., ang mahigpit na pagimplementa ng naturang batas. Anya kailangan din ang kooperasyon ng publiko upang maipatupad ito.

Sinabi ng Alkalde na ang pangangalaga ng mga hayop ay may katuwang na responsibilidad at nanawagan sa publiko na sumunod sa batas. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)

(Source: PIO-Baguio)

Leave a Reply