Monday, May 6, 2024

LTFRB mag iisyu ng Immediate Suspension vs Buenasher Bus

- Advertisement -

Ipinag utos na ng LTFRB o Land Transportation Franchising And Regulatory Board ang tuluyang suspension sa lahat ng Bus Unit ng Buenasher Transport.

Ito’y kaugnay ng pagkakasangkot ng nasabing Bus sa isang aksidente sa NLEX o North Luzon Expressway kung saan nasawi ang 8 at ikinasugat ng ilang pasahero.

Ayon kay Transportation Asec. Goddess Hope Libiran, agad na ipinag-utos ni LTFRB Chairman Martin Delgra ang paglalabas ng “Immediate Suspension” laban sa Buena sher habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.

Kaugnay nito, ipinag-utos rin naman ni Delgra sa Buenasher na sagutin ang lahat ng gastusin para sa mga nasawi maging sa mga nasugatan dahil sa insidente.

Batay sa paunang imbestigasyon, mabilis na binabaybay ng Buenasher ang Northbound Lane ng NLEX nang bigla itong bumangga sa isang concrete barrier at tumilapon sa Southbound Lane.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img