36 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Bangka lumubog sa Samar Alkalde at 19 pasahero nailigtas

- Advertisement -

Nasagip ng mga awtoridad ang Alkalde ng bayan ng Almagro sa Samar kasama ang 19 na iba pang pasahero matapos lumubog ang sinasakyan nilang bangka sa malapit sa Calbayog City.

Sa inisyal na report mula sa Philippine Coast Guard- Calbayog, Samar Station, pauwi na sana si Mayor Amelia Cano kabilang ang ilang opisyal ng bayan at kanilang mga pamilya nang mangyari ang insidente.

Sinasabing hinampas ng malaking alon ang bangka na naging dahilan upang lumubog ito.

Mabilis namang nagkasa ng Rescue Operation ang mga tauhan ng PCG kaya’t nailigtas ang mga pasahero.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -