Saturday, May 4, 2024

LRT2 operating hours babawasan sa Dec. 24, 31

- Advertisement -

Magbabawas ng oras ng operasyon ang Light Rail Transit 2 (LRT2) ngayong panahon ng kapaskuhan.

Sa abiso ng LRT2, iikli ang kanilang operating hours sa ika-24 at sa ika-31 ng Disyembre ngayong taon dahil sa inaasahang pagbaba ng bilang ng mga pasahero sa mga naturang araw.

Dahil dito, hanggang alas-8 na lamang ng gabi ang huling biyahe ng LRT2 mula Cubao station sa Quezon City (westbound) at Recto station sa Maynila (eastbound) sa darating na ika-24 ng Disyembre.

Samantala, alas-7:30 naman ng gabi lalarga ang last trip ng mga naturang istasyon sa darating na ika-31 ng Disyembre.

Ang pagbabago sa schedule ng LRT2 ay upang bigyang daan ang kanilang mga station at security personnel na makapagdiwang ng Pasko at Bagong Taon na kapiling ang kani-kanilang mga pamilya.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img