Panukalang pagtaas sa motor vehicle road users’ tax aprubado na ng komite sa Kamara

0
9

Aprubado na sa committee on ways and means ng mababang kapulungan ng kongreso ang panukalang pagtataas sa motor vehicle road users tax.

Ayon kay ways and means chairman at Albay Representative Joey Salceda, lilikha ang house bill 4695 ng P40-B karagdagang kita sa pamahalaan sa susunod na tatlong taon.

Ito ay kung saan mapupunta sa Public Utility Vehicle (PUV) modernization program ang lahat ng malilikom mula sa dagdag na kita dahil sa road users tax.