23 patay sa pagbaha sa Iran

0
55

23 katao ang patay at 200 ang sugatan sa pagbaha sa timog at kanlurang bahagi ng Iran.

Patuloy namang hinihimok ng mga otoridad ang Iranians na ipagpaliban ang paglabas ng kanilang mga bahay dahil sa inaasahan pang malakas na buhos ng ulan.

Ayon naman sa Ministry of Interior, hindi dapat balewalain ng publiko ang mga text message ng Disaster Management Organization para makaiwas sa disgrasya ang mga tao at hindi magtungo sa mga binahang lugar gayundin sa mga bundok at ilog.

Nasa high alert level ang labing dalawang probinsya kung saan posibleng tumaas ang tubig baha.