Los Angeles Lakers pinahiya ang Oklahoma City

0
25

Pinahiya ng Los Angeles Lakers ang Oklahoma City Thunder makaraang pataubin nila sa sariling bakuran sa score na 130-127.

Si Anthony Davis ang nanguna sa Lakers sa pamamagitan ng kanyang 33 points habang nagdagdag si Lebron James ng 23 points at 14 assists.

Ikalawang panalo ito ng Lakers laban sa Thunder ngayong season makaraang gibain nila ito sa score na 112-107 noong Martes.

Humakot naman si Kentavious Caldwell-Pope ng 17 points para sa Los Angeles habang kumamada si Danny Green ng 14 points dahilan upang maitala nila ang ika-13 panalo ng koponan sa 14 na laro.