Lalaking pumatay sa kanyang sariling mag-ina sa Sta.Rosa Laguna arestado

0
14

Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang isang lalaki na itinuturong utak sa pagpatay sa kanyang mag-ina sa Sta. Rosa City, Laguna noong 2016.

Sinasabing naaresto si Ricardo Sta. Ana sa BGC, Taguig City sa bisa ng warrant of arrest para sa dalawang bilang ng kasong parricide.

Matatandaang nakitang patay ang ginang at ang kanyang sanggol na anak sa loob ng kanilang bahay makaraang looban ng mga nagpanggap na internet technicians.

Subalit nabunyag na binayaran umano ni Sta. Ana ang 2 suspek para patayin ang mga biktima.

Dahil dito, kinasuhan si Sta. Ana noong nakaraang taon hanggang sa magtago ito para umiwas sa paglilitis.