40-foot container na naglalaman ng basura mula SoKor nasabat

0
20

Nasabat ng mga awtoridad ang isang 40-foot container na umano’y naglalaman ng mga basura mula sa South Korea.

Ayon sa Bureau of Customs (BOC) ang shipment na dumating noong Nobyembre 6 ay idineklara bilang “used tv at electronic parts.”

Subalit natuklasan ng Customs na pawang mga basura o misdeclared electronic waste ang mga ito mula sa SoKor.

Dahil dito, irerekomenda ng mga awtoridad na tanggalan ng accreditation ang importer at customs broker na hinihinalang may kinalaman dito.

Pahayag ng BOC, aayusin nila sa lalong madaling panahon ang pagpapabalik ng mga nabanggit na basura sa South Korea, alinsunod na rin sa toxic substances and hazardous and nuclear wastes control act at article 8 ng basel convention.

Magugunitang noong 2018 ay may natuklasan ding basura sa Misamis Oriental na mula rin sa South Korea ngunit hindi pa rin ito naibabalik sa naturang bansa hanggang sa kasalukuyan.