Palasyo ikinatuwa ang hatol na ‘guilty’ ng korte sa 3 pulis na akusado sa pagpatay kay Kian

0
45

“Nananatili pa ring buhay at gumagana ang sistema ng katarungan sa bansa.”

Iyan ang reaksyon ng Malakanyang sa hatol na guilty ng Caloocan City RTC Branch 125 sa tatlong pulis na sangkot sa pagpatay kay Kian Loyd delos Santos.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, labis nilang ikinatuwa ang naging desisyon ng korte dahil sa wakas ay nakamit na rin ng diesi siete anyos na binatilyo ang katarungang nararapat para rito.

Muling iginiit ni Panelo na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-utos na ipaaresto agad ang tatlong pulis na sina PO3 Arnel Oares, PO1 Jeremias Pereda at PO1 Jerwin Cruz.

Samantala, welcome din sa Commission on Human Rights (CHR) sa naging hatol ng korte sa tatlong pulis na akusado sa pagpatay kay Delos Santos.

Ayon kay CHR Chairperson Chito Gascon, nagpapasalamat sila sa lahat ng tumulong sa pamilya delos Santos para makatam nila ang katarungan sa pagkamatay ni Kian.

Kasabay nito, nanawagan si Gascon sa pamahalaan na gumawa ng hakbang para makamit ng mga biktima ng extra judicial killings (EJK) ang katarungang nakamit ni Kian at mapanagot sa batas ang mga nasa likod nito.