Hamon ng oposisyon sa HNP ipauubaya na lang sa mga kandidato ng administrasyon — Palasyo

0
46

Ipauubaya na lamang ng Malacañang sa mga kandidatong senador ng administrasyon kung tatanggapin ng mga ito ang hamon na debate ng oposisyong, Otso Diretso.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi na kailangan pang pahintulutan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga senatorial candidate dahil batid na aniya ng mga ito ang kanilang gagawin.

Paliwanag pa ni Panelo, naiintindihan niya ang hamon na ito ng Otso Diretso, dahil mahalaga aniya ang pablisidad para sa mga kandidato.