Friday, May 3, 2024

Lindol sa Davao Oriental nasundan ng 42 aftershocks

- Advertisement -

Nakapagtala ang PHIVOLCS ng mahigit sa 40 aftershocks makaraang yanigin ng magnitude 6.2 na lindol ang General Generoso sa Davao Oriental, kahapon.

Ayon kay Ma. Isabel Abigania, senior science research specialist ng PHIVOLCs, mula sa 42 naitala nilang aftershocks, 17 sa mga ito ay plotted.

Bagama’t maraming pagyanig ang kanilang naitala, sinabi ni Abigania na mahina at halos hindi naman ito nararamdaman.

Magugunitang niyanig ng magnitude 6.2 na lindol ang nasabing lugar subalit ayon sa PHIVOLCS, wala namang naitalang nasawi o pinsala sa mga ari-arian kung saan natukoy ang episentro nito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img