Limang daang residente ng Baguio City, tumanggap ng tulong mula sa DSWD-CAR

0
6

Baguio City – Aabot sa mahigit kumulang sa limang daang residente ng lungsod ng Baguio ang tumanggap ng tulong mula sa Department of Social Welfare and Development – Cordillera o ang  AICS program ng naturang agencia.

Ayon kay  DSWD-CAR Regional Director Leo Quintilla ang mga nabiyayaan ng tulong ay ang mga senior citizen, solo parent, Person with Disability o PWD’s o mga taong may kapansanan at iba upang maitawid sa hirap at krisis sa buhay.

Sinabi ni  Director Quintilla na tatlong libong piso ang ibinigay nilang tulong sa bawat pamilya. Iba pa ang 10,000 piso na tinanggap ng mga nagpapaaral at karagdagang at tallo libo piso sa mga nagpapagamot sa ospital.

Bago pinili ang mga benepisyaryo ay sumailalim muna sila ng mahigpit ebalwasyon upang pumasa sila bilang  benipisyaryo tng nasabing programa ng DSWD-CAR.

Sa kasalukuyan, marami ng nabigyan nila ng tulong dito sa lungsod ng Baguio mula noong nag umpisa itong tumulong noong Enero ng taong kasalukuyan. (Joel Cervantes, photo courtesy of DSWD-CAR file)

Leave a Reply