Lima patay matapos bumaha ng mainit na tubig sa isang hotel sa Russia

Lima patay matapos bumaha ng mainit na tubig sa isang hotel sa Russia

by Powered by DWIZ
46 views

Patay ang lima katao matapos na bumaha ang mainit na tubig sa basement ng isang hotel sa Russia.

Ayon sa Regional Investigative Committee na humahawak sa kaso, bukod sa nasawi ay tatlong iba pa ang sugatan dahil sa matinding pagkasunog ng kanilang katawan.

Sa imbestigasyon, sumabog ang tubo ng mainit na tubig sa isang hotel room sa basement hanggang sa kumalat ang tubig sa mga kalapit na kwarto.

Sinampahan na ng kasong krimen ang management ng hotel dahil sa kwestyonableng safety standards nito.

0 comment

Related Posts